October 3, 2010

Young Love

At a young age of 15 she fell in love.

At ako ay naiinis... naiinis talaga ako... hindi dahil sa naiingit ako, bakit ako maiingit ee bata pa rin naman ako, batang face hahaha.



Amor del idiota de mi prima

Kumusta kayo? Hindi ang love life ko ang pag-uusapan natin ngayon. a_movinggreen

May pinsan kasi ako, 15y/o. Hiwalay na sila ng BF niya, kaso noong last week ng September, 'di na siya dinaratnan ng kaniyang dalaw. Pinuntahan niya ako sa isang Laboratory ng mga Civil Engineering, lugar kung saan ako nagpapahinga (intrams kasi nu'n eh) Ikinuwento niya sa akin ang nangyari.

The other day, my boyfriend bought her a pregnancy test kit. At sa awa ng Diyos ninyo eh hindi siya buntis. Last week, may dalaw na siya.


Here is the story

Nababahala ako dahil on and off sila nung guy. Magto-two years silang ganu'n. Ibinigay na nga niya si Maria sa lalake pero naghahanap pa rin ng ibang Maria ang Jun-Jun nito. Naaawa ako sa pinsan ko, at the same time naiinis dahil isa siyang matalinong tao. Kung hindi siya matalino, bakit siya accelerated ngayon? Nasa highschool pa dapat siya pero nasa college na siya now.

Ang siste eh, kapag pumupunta siya sa bahay nung guy e lagi silang naglalaro ng bahay-bahayan! Ilang beses na silang naghiwalay nung lalake. Ngayon, hiwalay sila. Me and my trusted cousins told her to stop chasing the guy. Pinapamukha niyang tanga ang sarili niya.

We told her to stop communicating and cut her connections with him. Pero hindi niya magawa, mahal niya ang lalake. Bakit napakatanga ng pinsan ko sa pag-ibig?

Alam niyo bang siya ang laging nagreregalo sa guy na 'yun? Tapos 'yung guy binigyan lang siya ng Shih Tsu. To think female dogs means bitch. Naku, naku.

Ano ang dapat kong gawin? Sinabihan na namin siya na putulin niya ang koneksiyon niya sa lalake, tapos sabi niya ayaw niya dahil may gusto siyang malaman sa lalakeng 'yun at sa current GF nito ngayon. Kapag nalaman na raw niya 'yun ay contented na siya at puputulin na ang koneksiyon. Nagmumukhang naghahabol ang pinsan ko. Ayokong makita 'yung makikipagbalikan pa siya sa lalaking 'yun.

-------dahil umaasa siya na balikan siya nung lalake. Any suggestions na maari niyong ibahagi sa akin?

Nagawa na naming sabihan siyang alisin sa mga social accounts niya ang account nung guy. Burahin ang mga numbers at mag-start ng bago. Gusto niyang matuldokan ang relasyon nila at 'wag 'yung hahayaang nakatiwangwang nalang at maging case unclosed pa, pero sabi ko hindi. It takes time kasi kako, sabi niya gusto niyang maging kaibigan parin ang lalaking 'yun whatever it takes. Super rush siya na makausap ng personal 'yung guy.

I mean, hello? Granted na mapupusok ang mga bata ngayon. Nakakainis lang dahil bakit siya nagpapaka-tanga sa lalaking 'yun? Sabi namin kung maka-get over siya ngayon dahil sa paghahabol sa pesteng lalaking 'yun, 'wag siyang babalik ulit kapag sinuyo siya at siya ang habulin ng guy.
~~ from a friend of mine!

Naiinis ako dahil sa murang edad ay nagawa na niyang makipag-bahay-bahayan. Hindi ba siya natatakot? Hindi man lang ba siya nagadalawang isip o nag-iisip pa ba siya? Naawa man lang ba siya sa mga magulang niya? Handa ba siya sa sasabihin ng ibang tao kung saka-sakali?

Dahil sa pesteng pag-ibig na iyan siya ay nagpapakatanga. Oo, aminado akong isa ring tanga, but not to the point na nawawala na ang aking delikadesa. Laging nakatanim sa utak ko na dapat ko siyang kalimutan dahil ang basura ay basura na, contaminated na ng iba.

Noon, hindi rin ako makalimot. My goth, pati ba naman pangalan niya iiyakan ko? How pathetic, ain't I? Good thing may mga taong nakapalibot sa akin na gusto akong sapakin para matauhan. So, I told myself, "I need a diversion!" and so I started to redeem myself and gather my courage. Hindi ako nagbingibingihan, bagkos ay nakinig ako sa mga payo nila.

Kaya ineng, kung nababasa mo man ang post ko na ito, makinig ka naman sa nagmamalasakit sa iyo lalong lalo na sa mga pinsan mong hindi na alam kung paano ka kukumbinsihing kalimutan ang trash na guys specie na iyan. Nagawa na ang hindi dapata, pero tapos na iyon. marami pang pagsubok na daraan sa buhay mo and you need to be strong. Tandaan mo, bata ka pa... younger than my stupid heart. Mas marami ka pang chances na makilala ang destiny mo, soulmate mo, or whatever. Isa pa, your smart enough to know what is right from wrong. Lahat ng tao ay nagkakamali at lahat ng taong nadarapa ay kayang bumangon at muling maglakad ng taas noo. Think about it habang maaga pa.

Aiyt, kayo? Anong maipapayo niyo sa batang ito?
"Lahat ng bilihin nagmamahalan na...tayong dalawa nalang ang hindi..."

No comments:

Post a Comment