Bakit pa?
Sa unang
pagkikita, nadama’y iba na
Sa pagtatama
ng ating mga mata.
Paghanga’y
umusbong sa aking pusong napatanga.
Sa
kagwapuhan mong taglay
At busilak
na kaloobang sadyang tunay
Ako’y lalo
pang na-inlove, hay buhay!
Sa isang
tudyo ng tadhana
Tayo’y
pinaglapit di’ man tagna.
Sa udyok ng
damdamin
‘pag wala sa
akin ang tingin
Ako sayo’y
nakatitig ng taimtim.
Kung bakit
ba naman kasi,
Iba ang
iyong pintakasi?
Gayung
narito naman ako, di man seksi.
Sa takot na
ika’y tuluyang mawala
Pinagpasyahang
magtapat na
Subalit dili
yata’t mali ang sapantaha
Tungkol sa
ugali yaring kahalihalina.
Liham na
pinaghirapang isatitik
Sa aking
harapan ay pinunit.
“Ako’y may
ibang ibig,” ani mo,
Na siyang
ikinadurog nitong puso ko.
Ang puso
kong gutay
Hayun at
kailangan na yatang ilamay…
Bakit pa
kasi umasa…
Ang isang
tulad kong di naman pala papasa.