August 28, 2010

My Beloved Lola

Mahal kong Lola,

Matagal na rin po tayong hindi nagkikita. Ilang buwan na rin ang nagdaan. Miss na miss na kita. Hindi ko maiwasang isipin ang nakaraan. Noong tayo ay magkasama pa. Noong bata pa ako...ikaw ang naturo sa aking magsulat ng aking pangalan. Ikaw rin ang nagturo sa aking magbasa ng abakada. Hanggang sa pagtuturo sa aking magdasal bago at matapos kumain. Ikaw ang kasakasama kong magsimba tuwing Linggo na tinutulugan mo pa ang misa lalo na kapag nagsesermon na si Father John. Ikaw ang umaatend ng meeting sa eskwelahan kung kinakailangan. Lahat ng karanasan ko sa buhay ay ikaw ang aking kasakasama...sa lungkot, pighati, saya, at tagumpay. Ikaw ang naroon. Tanging ikaw. Kaya pasensya na kung medyo matagal akong hindi nagpakita medyo busy kasi ngayon sa trabaho. Ngayong kaarawan ko nais kong ikaw muli ang aking kasama. Mamaya, pagkagaling ko sa opisina dadalawin kita. Dadaan muna ako ng Flower Shop para naman may maialay ako sa puntod mo.

Miss na talaga kita, lola.

Lubos na nagmamahal,
Your beloved Lola's girl.

---------
Note: Ang lihim na ito ay likha lamang ng makulit kong kaisipan. Sa kasalukuyan, ang aking mahal na Lola ay nagpapagaling mula sa kanyang sakit sa pamamahay ng aking uncle. Toinks! *grins*

"Lahat ng bilihin nagmamahalan na...tayong dalawa nalang ang hindi..."

No comments:

Post a Comment