Tawirin marupok na tulay
Hawakan mo ang aking kamay
Kailangan ko ng iyong gabay
Sa pag-iisa, ako’y ‘di sanay
O aking ina,
Liwanag mo ang aking tanglaw
Dito sa aking mundong kay panglaw
Ngunit, bakit nanatiling uhaw?
Oo, tama!
Sa puso’y may kimkim na hinanakit
Bakit si ama iyong pinagpalit?
Bakit sa kaniya pang malupit?
Ako’y naging mapagtiis
Ngunit unti-unti’y naputol ang bigkis
Nilisan ang imperyong tumatangis
Baon sa ala-ala mukha mong hapis
Lumipas maraming taon ng paghihimagsik
Sa kandungan ng liwanag nais bumalik
Baon ang pagsisi, ‘di na magpapatumpik-tumpik
Paglaya, sa puso pagmamahal muling nanumbalik
O aking ina,
Ano mang pagsubok ang danasin ko
Nanaisin ko pa rin bumalik sa piling mo
Mahal kita mama…
Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 5
Waah, nice poem! *sniff*
ReplyDeleteSubmit mo toh Mariz, sayang! may time pa hehe. Pwede pa humabol :))
may pinaghuhugutan.. iba talaga ang pagmamahal at kalinga ng isang ina... baka kahit maging tulad din niya tayong Ina eh tatakbo parin tayo sa kanya kapag kailangan natin ng yakap niya...
ReplyDelete