Moving On: Over a Cup of
Coffee
Nitong mga nakalipas na buwan ay
kayraming pangyayari sa aking buhay ang bumago sa aking pananaw. Subalit,
mabago man noon ang ilan sa aking paniniwala, mananatili akong umaasa na
mayroon isang pagmamahal. Isang emosyong magpapaligaya sa bawat nilalang sa
mundo.
Denial: Noong sabihin niyang tapusin na namin kung ano man ang
namamagitan sa aming dalawa, hindi ako nagpakita ng emosyon sa kaniyang
harapan. Tanging ngiti ang pinaskil ko sa aking mga labi. Ikinubli ko ang
nagbabadyang pagpatak ng luha sa biglang pagkulimlim ng langit. Subalit, sa
kaniyang pagtalikod ay hindi rin naitago ng ambon ang sakit. Sa gitna ng dilim
ay hinayaan kong tangayin ng malakas at malamig na hangin ang lahat ng sakit. Sa
gitna ng maiingay na kuliglig ng panggabing insekto’y hinayaan kong lunurin ang
bawat hikbe. Sa isip ko’y umuukil-kil ang mga katanungan…
Hatred: Hindi ko na ninanais malaman kung ano ang dahilan. Nanahimik ako.
Nagbinge-bingihan. Nagbulag-bulagan. Hindi nagpakita ng ano mang emosyon.
Subalit, nalaman ko pa rin ang dahilan. Betrayed. Been Lied to. Had been used. Naging isang laruan lamang pala ako. Isang
basahan na matapos gamitin ay basta nalang itinabi sa isang sulok. Ang
pinakamasakit na katotohanan ay ng malamang mas mahal niya pa rin ang babaeng
nanakit sa kaniya. Sinalo ko siya noon. I
had him at his worst. Subalit, hanggang kasangkot ang tinatawag nilang
pag-ibig, walang kwenta kung anukaman sa buhay ng isang tao. Nagsilbi lamang
akong salbabida, nang matuto siyang lumangoy ay pinabayaan at iniwan na. I was nothing but that to his life.
Bitterness: Masama bang hangading may isa pang pagkakataon? Masama
bang umaasang mayroon pang bukas? Turol ko sa aking isipang wala na, ngunit ang
puso ko’y patuloy na ninais magmukhang tanga. Sinubukan ko. Nagbakasakali.
Subalit huli na… lumisan na siya. Umuulan noong araw na lumisan siya upang
mangibang-bayan, katulad noong pag-ulan noong iwanan niya ang puso kong
sugatan. Sa panglawang pagkakataon, nakiramay ang Maykapal sa aking pighati.
Nagkaroon ako ng pagkakataong maikubli ang mga luhang patuloy pa rin sa
pagmalibis sa aking mga pisngi. Hindi niya ako nilingon. Walang paalam kahit sa
huling pagkakataon. Ang sakit pala…
Ipokrita ako kung sasabihin kong
hindi ko siya naalala. I miss the man.
Minsan, hanggang sa aking pagtulog ay dinadalaw ako ng mga alaala. Naroon pa
rin siya, sa kubling bahagi ng utak ko. Kung hanggang kailan siya mananatili
roon ay hindi ko batid. Panahon lamang ang makakapgsabi kung kailan at paano. Time heals all wounds…
Signed, (xoxo)
"Lahat ng bilihin nagmamahalan na...tayong dalawa nalang ang hindi..."
No comments:
Post a Comment