February 25, 2010

Sulat para kay Kupal

"I thought I would never ever fall inlove... until I saw that girl in the corner of my eyes."
Nakakainis ka. Ang gulo-gulo mo. Sabi mo sa akin never ka ng ma-iinlab kahit kaninong babae dahil mahal mo pa rin siya. Ngayon sasabihin mo sa akin na may mahal ka ng iba at limot mo na siya. Unfair yata yun, tsong. Sinikap kong huwag kang mahalin kahit na sa tuwing nandiyan ka para akong sinasakal ng bawat ngiti sa labi mo. Kulang na lang kapusin ako ng hininga at mamatay sa harap mo. Aba! Hindi mo naman yata alam kung gaano kahirap ang magpanggap na hindi ka nakikita at naririnig. Nakaka-aning! Mabuti nga at hindi pa ako dinadala sa mental hanggang ngayon, eh.

Akala mo ba...yun lang ang hirap at pasakit na dinanas ko...marami pa.

Walang gabing hindi ako umiiyak dahil sa katarantaduhan niyang bunganga mo. Biruin ba namang sa araw- araw na magka-usap tayo ay siya ang palaging bukang bibig mo. Ayos ka talaga! Daig mo pa si Kris Aquino sa kadaldalan mo kapag siya ang topic. Hay! Ako ang kasama mo pero siya ang laman ng isip mo.

Minsan, muntik na akong magpakamatay...paano ba naman!? kung di ka sang damakmak na loko-loko... I-post ba naman sa Facebook na in a relationship ka with her. Buti nalang nagamit na ni Mudra ina lahat ng klorox nung naglaba siya kaya hindi ko na-inum. Pasalamat ka hindi pa kita minimulto ngayon. Buti nalang din at char mo lang ang post na iyon.

Teka!
Hindi pa tapos. Alam mo bang nakagawa din ako ng kagagahan ng dahil sa iyo. Natatandaan mo si Anna Batungnakal? Yung classmate natin last semester na puro braces ang ngipin at maraming pimples ang noo at baba? 'Di ba crush ka noon? Muntik mo pa nga siya maging ka-date noong student's night. Buti nalang natakot ko yung tao. Sinabi kong kukulamin ko kapag hindi ka pa tinigilan...haha...naniwala ang loka.

Oha! Di ba? Sabihin mo ngayong hindi ka unfair. Nagtiis ako at kinimkim itong nararamdaman ko. Pinilit kong kalimutan kesa ipaalam ko sayo ang pag-ibig kong ito. Tapos ngayon...ngayon...Naku! Pasalamat ka pa rin sinabi mong ang taong bago mong minamahal ay walang iba kung hindi---- AKO... kung hindi ikaw mismo papainumin ko ng klorox.

HmpF... Sige hanggang dito nalang...

And I love you too, kupal.

 ---------------------------------
"Lahat ng bilihin nagmamahalan na...tayong dalawa nalang ang hindi..."

No comments:

Post a Comment