April 1, 2010

Magkapatid

Namulat ang isipan natin na walang kinikilalang ama. Namuhay tayo sa piling ni lola at malayo sa halik at yakap ni ina. Ganun pa man masaya pa rin ako dahil palagi kang naroon sa tabi ko. Magkasama sa harutan, kulitan,at kalokohan.

Natatandaan mo pa ba? Noon kapag pinapatulog tayo ni lola sa hapon hindi ba't nakapikit lamang tayo noon at hinihintay matapos ang paborito niyang programa sa radyo na Matud Nila hudyat upang tayo ay gumising sa ating [kunwaring] pagtulog.

Paborito mong maglaro ng lutu-lutuan at bahay-bahayan; ako si nanay, yung crush mong si Pot-pot ang tatay, at ikaw ang anak namin. Lagi kong nakikita ang ngiti sa mga labi mo sa tuwing hinahalikan ka niya sa noo kapag kunwari'y matutulog ka na. Lihim akong natatawa dahil sa mura mong edad ay marunong ka ng magnasa humanga. Minsan nga lang ay naiinis ako sa iyo dahil sa tuwinay inaagaw mo ang manyika ko. At Ako? Ako ang kinagagalitan sapagkat ako raw ang nakatatanda at siyang dapat magparaya. Sa umpisa'y magagalit ako sa iyo ngunit maya-maya pa'y magkasundo na ulit tayo.

Nang tumuntong ako ng sekondarya lumayo ang loob mo sa akin. Kung dati'y ako ikaw ang lagi kong kasama ngayo'y puro barkada at ang nobyo ko na. Kung dati'y ikaw ang sinasabihan ko ng mga hinaing at problema ko sa buhay ngayo'y "the Bar" na. Hindi mo na rin ako kasamang maglaro ng lutu-lutuan at bahay-bahayan, sa halip ang pampalipas oras ko ay magpaganda, magmanicure-pedicure, magtext at magtelebabad. Ayaw na rin kitang katabi sa kama sa katwirang ako ay malaki na.

Ako ang may kasalanan hindi ba?

OO, magkasama nga tayo sa iisang bahay, sa iisang bubong natutulog, sa iisang hapag kumakain, at sa iisang banyo naliligo ngunit para tayong estranghero sa isa't isa. Naroon ang distansya at ang pader na hindi ko man lang namalayang naiharang mo na pala. Mula sa distansyang iyon, sa malayo ay pinagmamasdan kita. Umaasa ako na balang araw ay matatawid ko ang pagitang iyon sa ating dalawa upang maibalik ang dati nating samahan.

Akala ko nga hindi na mangyayari iyon. Nakakatawa. Kailangan mo lamang palang masawi sa pag-ibig upang matibag ko ang pader na nakaharang sa ating dalawa. Nakita kita noong umiiyak sa isang sulok nagdadalamhati para sa puso mong nagkaluray-luray para sa isang pag-ibig na inaakala mong tunay. Naroon ang hesitasyon sa aking parte ngunit sa kaibuturan ko ay masa nanaig ang pagnanais kong maibsan ang sakit na nadarama mo. Niyakap kita, pilit pinayapa ang magulo mong utak. Hanggang sa maka-recover ka ako ang kasama mo, naroon ako at hindi kita iniwan tulad ng dati noong maliliit pa tayo. Sa wakas natawid ko ang distansya at natibag ang pader na pumagitan sa ating dalawa.

Ngayon, gagradweyt ka na at ako pa ang magsasabit ng iyong medalya. Nagagalak ako para sa tagumpay mong ito. Ako bilang ama at ina, kaibigan, at kapatid mo.

-------------------------
Enclosed was the note I have given to my sister during her graduation.
Since our innocence we've been together [always] despite all of those bickering and messing around. You might think that I'm a bitch but all that I do are for your own good. You've done your best not only to please me, but also to make our mom happy. You might not have reached or exceed my expectations, but still I am PROUD of you. You'll always be my little sister and I'll always love you.
"Lahat ng bilihin nagmamahalan na...tayong dalawa nalang ang hindi..."

No comments:

Post a Comment