April 21, 2010

Sakayan


Pawis na pawis na ako sa init. Halos kalahating oras na rin akong naghihintay ng masasakyang jeep. Nalilimliman man ako ng mayabong na puno ng mangga ay hindi sapat iyon upang hindi ko maramdaman ang bangis ng El Niño ng bonggang bongga.
Ewan ko kung sinasadya ng tadhanang walang dumaang sasakyan sa parteng ito ng lugar namin to think na doon ang talagang sakayan ng mga pasaherong lalabas ng village na ito. O baka naman sadyang malas lang ang magkaroon ng balat sa puwet.
‘Kapag minamalas ka nga naman’ ang mahina kong usal. Mabuti na lamang at medyo maaga akong umalis ng aming tahanan kung hindi ay tiyak na mahuhuli ako sa aking klase.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-sisintir ng may matanaw akong dalawang lalaking naka t-shirt na green na papalapit sa kinaruruonan ko----- ay teka, dadaan lang pala! Ibinalik ko ang tingin sa hawak kong cellphone ng medyo malapit na sila sa gawi ko. Ayoko namang mahalata nilang naglalaway ako sa kaguwapuhan nila. Mula sa kunwa’y busy-busihan kong diwa ay may narinig akong nagsalita.
‘Hi miss, pwede makuha number mo?’ nag-angat ako ng tingin at pa-cute na ngumiti sa dalawang lalaki sa aking harapan.
Ang landi mo --------- bulong ng isang parte ng utak ko.
‘Zero-nine-zer---------‘ nabitin ang pagsasalita ko ng may mahagip ang mata kong padaan na jeep. ‘Shit!’ napamura ako sa isip ko. Wrong timing naman ito.
Muli akong ngumiti sa dalawa at hindi na tinapos pa ang aking sasabihin saka mabilis na sumakay sa pamapasaherong sasakyan na panay ang busina at akala mo’y mauubusan ng pasahero.
Marahas akong napabuntong hininga ng makarating sa school.
‘Maria!’ narinig kong tawag ng best friend ko na nakatambay sa lounge kasama si yummylicious crush.
Nakasimangot akong lumapit sa knauupuan nila at parang armalite ang bungangang agad sinimulan magkwento sa bestfriend ko kung anong nangyari.
Nagulat ako. Nanlaki ang mata. Nang imbes na si bestfriend ay si crush ang nag-react ng bongga.
‘Sino ba yang lalaking yan? Saan ko ba makikita yan ng masuntok?’ ang seryosong tanong nito. Tumingin ako sa bestfriend ko na nagkibit balikat lamang.
‘anong problema mo?’ ang baling ko kay crush.
‘wala akong problema.’ Seryoso pa ring wika nito
‘E, bakit ganyan ang tono mo?’ nag-iinit na rin ang ulo ko sa tono nyang iyon
‘Wala nga akong problema!’ muling wika nito saka nagdadabog na nagwalk-out. Aba! Daig pa noon si Ruffa Guttierez ah. Anong problema ng lalaking yun? Ano to LQ?! Para namang may mens siya kung maka-arte!!
Nakangiting lumingon sakin ang bestfriend ko, ‘Nagseselos crush mo!’
‘Huh?’ buong araw kong iniisip ang sinabing iyon ng bestfriend ko hanggang sa naka-uwi na ako. As in windang ako. Sa totoo lang ay Matagal na akong head over heels diyan kay crush kaya kung tama nga ang sinasabi ni bestfriend ay wala naman siguro masamang umaasa.
 Matutulog na sana ako ng mag-vibrate ang phone ko. Isang text message galing kay crush.
W8 4 me 2morow jan sa skayan sa inyo
Super reply ako kung bakit pero hindi na ito muling nag-text.
Ever wonder ang beauty ko kinabukasan pero sinunod ko pa rin siya. Pagdating ko sa abangan ng sasakyan ay nandoon na si crush, nakangiti at hinihintay ako----- mukhang wala na siyang topak------ sa kabilang daan ay naroon yung dalawang papalicious-green-shirt-guys yesterday. Tinignan ko si crush, mas makalaglag panty panga pa rin si crush.
‘bakit mo ako sinusundo?’ lakas loob kung tanong kahit pa nga parang jelly ace ang tuhod kong nanlalambot.
‘Para hindi na ako nagseselos.’ Nakangiting sabi nito na kumindat pa. Napatalon ang puso ko sa kilig at parang gusto ng lumabas mula sa aking rib cage.
Ano ‘to joke?
Nawiwindang na naman ako kakaisip, ‘totoo?’ tanong ko para di na ako maloka
‘Oo, nagseselos ako sa kanila’ saka tumingin sa direksyon nila papalicious-green-shirt-guys na nakatingin din pala sa amin. ‘kaya sumakay ka na’ muling wika nito na iminuwestra pa ang kanyang kotse.
Tulala p rin ako pero nagawa kong makasakay. Nang maka-upo na ako sa passenger seat ay bumungad sa aking ang isang pink teddy bear at 3 stem of roses na may kasamang card.
I LOVE YOU!
Napangiti ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung kanino ako magpapasalamat para sa pangyayaring ito, sa El Niño ba, sa jeep, sa dalawang papalicious-green-shirt-guys, sa kadaldalan ko, sa pagdidilang anghel ng bestfriend ko, o sa balat ko sa puwet? Ang tanging alam ko lang ay masaya ako lalo na nagayong nakalapat ang mga labi ni crush sa labi ko.

"Lahat ng bilihin nagmamahalan na...tayong dalawa nalang ang hindi..."

4 comments:

  1. thanks EJ..
    inspired by what happened to me last week!

    ReplyDelete
  2. ayyeeeiiii ganda ganda naman..sana ganyan din sakin crush ko..

    ReplyDelete
  3. hehe...
    hmmm.. malay mo.. sumday..
    magdilang anghel din kea ako sau?? haha!!

    ReplyDelete