May 17, 2010

Huling pag-sinta

Sa Aking Pinakamamahal,

Alam mo bang ikaw ang pinaka-worst na taong nakilala ko? Simula pa noon minahal na kita.Sinubukan kong umiwas at lumimot pero hindi ko kinaya to the point na kahit boyfriend ko ginamit ko para pag-selosin ka. Silly me! Paano ka mag-seselos kung hindi mo naman ako pinagtutuunan ni katiting na pansin. Imbes na ikaw, si boyfriend pa ang nasaktan ng dahil sa'yo.

Hanggang sa lumipat kami ng lugar. Nagkalayo tayo and I thought I was doing fine till our path crossed again. Naging close tayo. I tell you my secrets and you share yours as well. I was okay with it---contented---basta kasama kita. Tapos bigla kang nangligaw. WOW! Ang saya ko daig pa ng kasiyahan ko ang saya ng nanalo ng jackpot sa lotto. Sinagot kita at feeling ko ako na ang pinakamaligayang nilalang sa buong mundo. Sa super saya ko pwede na akong kunin ni Lord pero charr charr lang yun.

I thought that happiness would never end pero bigla ka na lang hindi nagparamdam. Bigla biglang hindi na ako kasama sa sirkulasyon ng buhay mo. No words uttered. No parting words said. Just like that it was over.

Masakit. Ang sakit sakit. But just when I decided to finally move on I heard na nililigawan mo ang bestfriend ko. Sa pangalawang pagkakataon namatay ang puso ko.

Siguro habang binabasa mo 'to nasa langit na ako. Kasama ng puso kong dinobol-dead mo. Huwag ka mag-alala hindi kita mumultuhin. Ganoon kita kamahal kahit sobra mo akong sinaktan. Sana lumigaya ka sa piling ng Bestfriend ko.

I love you. Mahal na mahal kita.

Lubos na nagmamahal,
you're ex

P.S. Pwede bang kapag pumunta ka sa burol ko pakihalikan ako hindi dahil mag-aala snow white or sleeping beauty ako sa halip para kahit papaano sa huling sandali kahit balat-kayo maramdaman ko ang pagmamahal mo.

P.P.S. Mahal na mahal talaga kita!

P.P.P.S. Sana naman kahit paano...makonsensya ka!

"Lahat ng bilihin nagmamahalan na...tayong dalawa nalang ang hindi..."

2 comments:

  1. ayyy.........
    wawa naman yung girl pati sa libingan mahal parin si boy....
    :(
    tsk...tskk...tssk... ay.........
    .....

    ReplyDelete