That was 5 years ago…noon, oo noon…Pero ngayong it seems like I have everything I wish I could have. I’m now a successful writer-slash-novelist-or-w
Laging nandoon…nakakabit sa alaala, bawat paghinga at pagtibok ng puso ko ang isang lihim na itinago ko para sa isang taong nagpabago ng buhay ko…
“SIR?” sabik kong hinintay ang reaksyon ng editor ng Publishing House kung saan ako nagtatrabaho.
Napapalatak ito, “wala ka pa ring improvement, hija. Sa grammar and spellings nag-improve ka pero sa paraan ng panunulat mo at sa flow ng istorya, wala…kulang. Hindi ko madama ang emosyong hinahanap ko. So, I guess ito na ang huling araw mo rito.”
My case is hopeless. Lahat ng Publishing House kung saan affiliated ako lagi akong tanggal all just because of that stupid emotion they say.
Frustrated writer…yeah that’s who I am. But then…siguro kailangan ko ng mag-iba ng landas.
WANTED ALL AROUND HOUSE MAID!
Nang mabasa ko ang karatulang iyon ay hindi na ako nag dalawang isip pa. Patulan na ang pwedeng patulan hindi naman pwedeng gutumin ko ang sarili ko ng dahil lang sa kahibangan ko sa pag-susulat.
I started to work for Dexter. Isang bugnutin, palasigaw at siya na yatang pinaka-aroganteng lalaki na nakilala ko. Oh but did I mention kung gaano kasimpatiko ang amo ko na iyon? Yun nga lang nakakasira ng kagandahang lalaki niya ang pagkakatali niya sa silyang de gulong bukod pa sa panget niyang ugali.
Ayon sa Lola nito na siyang tumanggap sa akin bilang katulong ng binata ay na-aksidente raw ito noong minsang mag-talo ito at ang ama. Dala ng kalasingan ay hindi nito namalayan ang pagsalubong dito ng isang van na nawalan ng preno. Nadaganan ang paa nito at nadamage ng husto. Pinayuhan siyang magpa-therapy ngunit dahil nga ayaw niya na siya ay kina-aawaan ay kinulong niya ang sarili sa sarili nitong mundo. Kahit anong pilit dito ng mga relatives nito ay nagbingi-bingihan lamang ito.
“CINDY!” malakas na twag nito mula sa master’s bedroom.
Ito na naman po tayo. Ano naman kaya ang reklamo nito ngayon?
“Sir?” lihim kong itinatago ang asar at disgusto sa aking tinig kaya halos pabulong na nang mag-salita ako.
“Ano ba itong niluto mo? Bakit walang lasa?” nakasimangot na tanong nito.
“Nilagang baka po ang tawag diyan, sir” sarkastiko kong sagot
“Alam ko…wag mo akong pilosopohin. Ang tanong ko bakit walang kalasa-lasa? Hindi ka ba tinuruan mag-luto ng masarap ng nanay mo?”
Ouch naman…hindi daw masarap ang luto ko? At dinamay pa talaga ang nanay ko. May araw din itong lalaking ito sa akin.
“Eh sir, gusto nyo po ng patis pampalasa?”
“ayoko ng Patis” Halos isang linya na lang ang kilay nito ng bulyawan niya ako
“Asin sir?” hindi pa rin tumitinag na tanong ko
“Never mind”
“Eh di wag na rin kaya kayong kumain” bubulong-bulong kong sagot habang nanatiling nakatayo sa pinto.
“ano kamo?” naka-angil niyang tanong sa akin
“A-ah ha...w-wala ho”
“Sige na ilabas mo na ‘yan wala na akong ganang kumain”
Hmp ang arte! Lagyan ko kaya ng sili sa susunod yung pagkain nito. Tignan ko lang kung sasabihin mo pang walang lasa ang luto ko.
Buwisit talaga. Wala na ba siyang alam gawin kung hindi ang mag-reklamo? Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi na lang siyang naka-sigaw…naka-simangot.
Kailan kaya siya ngingiti man lang?
But Dexter is just so irresistible kahit pa bugnutin ito. I can’t help but fall in love with him whenever I look at those expressive eye sof him that seems to search one’s soul at napakatiim kung tumitig na parang gusto akong tunawin and those lips na parang…parang ang sarap halikan. Hay! Hindi talaga mahirap mahulog sa karisma niya.
At heto ako, lihim na umaasa sa pagtingin niya. Ngunit ang damdamin ko sa kanya ay itinago ko sa kasulok-sulukan ng puso ko at hindi hinayaang malaman ng kahit na sino…
KUNG nagawa ko lang sanang ipaalam ito sa kanya noon. Pero tapos na at kalian man ay hindi ko na pwedeng ulitin ang mga nangyari na.
“Ano ba bestfriend, maghapon ka na namang nakaharap diyan sa laptop mo. Pwede ba kahit ngayon lang lumabas ka.” Litanya ng best friend ko – si Ayah…na ang sabi niya ay nagmamalasakit lang daw sa akin.
“Alam mo dapat sayo mag-madre.”
“As usual narindi na naman po siya sa sermon ko. Pero sige na friend samahan mo naman ako tonight.”
“Hay ano pa nga bang magagawa ko eh kahit ano namang tanggi ko magungulet at mangungulet ka pa rin. If I know nag-away lang kayo ng boyfriend mo.” Wika ko na tinawanan lamg nito ng malakas.
Simula ng mawala siya sa akin ay isinubsob ko na ang ulo ko sa trabaho. Ayokong magkaroon ng puwang sa utak ko sa pag-iisip sa kanya. Masasaktan lang ako.
Ngunit hindi ko inaasahang ang nakaraan ay muling magbabalik sa alaala ko ngayong gabi.
Nanlalamig ang buo kong katawan sa kaba. My first instinct is to run and hide..away form him pero iba ang ibinubulong ng puso ko. Isa…dalawa…tatlo…kusang humakbang ang mga paa ko na animo may sariling pag-iisip.
“Hey friend, saan ka pupunta?” hindi ko pinanasin ang tanong niyang iyon. Nakatuon lamang ang atensyon ko sa iisang tao sa lugar na iyon na ngayon ay paalis na.
‘Sandali’ hiyaw ng utak ko
Kailangan ko siyang abutan. Ayoko ng sayangin ang panahon tulad ng limang taong nasayang na.
Ngayon muling nagtagpo ang aming landas gusto ko ng pakawalan ang lihim ko at ipagsigawang ‘Mahal ko siya’.
“Dexter!” halos kasabay ng pagpatak ng luha ko ang muling pagdaloy ng nakaraan sa aking alaala…
HINDI ko inaasahang mababago ko siya. Ang dating bugnutin ngayon ay mahinahon na. Ang dating palasigaw ngayon ay soft spoken na at ang dating laging nakasimangot ngayon ay nagagawa ng ngumiti at sumabay sa mga halakhak ko.
Isang malaking himala sabi nga nila.
Napilit ko siyang magpa-therapy. Ang dating inutil na nakatali sa silyang de gulong ay Malaya ng nakakalakad na muli ngayon.
Hindi rin maiwasang maging malapit kami sa isa’t isa. Hanggang naganap ang hindi inaasahang pangyayari sa pagitan naming dalawa. Isang gabing hiram para sa dalawang kaluluwang uhaw sa pagmamahal.
Alam kong mali ngunit may alam bang mali ang pusong umiibig?
Naganap man sa pagitan namin ang bagay na iyon ay hindi ko magawang sabihin sa kanya ang lihim ko.
Sa bawat araw ay naroon ang pangamba sa puso ko na pilit kong itinatago mula sa kanya. Sa kabila ng Lahat ng agam-agam ay naging mas makulay ang paligid ko sa bawat araw na magdaan. Kahit alam kong walang katiyakan ang damdamin niya para sa akin ay gusto kong sumugal kahit alam kong may posibilidad na matalo ako at masaktan.
Nabatid ng kanayang mga magulang ang tungkol sa namamagitang relasyon sa aming dalawa. Gaya ng dapat asahan ay tutol sila sa akin.
“Magkano ba ang kailangan mo babae?” wala sa bahay ng mga sandaling iyon si Dexter at alam kong sinadya nila iyon.
“Walang bayad ang pag-ibig ko Mr. Alonzo” matatag kong saad kahit nanlalambot na ang mga tuhod ko.
“At ang akala mo ba ay naniniwala kaming minamahal mo ang aking unico hijo? Hindi bagay ang isang tulad mo na tonta sa aking anak.”
“Sabihin mo kung magkano ang kailangan mo…isang milyon? dalawa? O tatlo?” wala akong makitang emosyong mula sa papa nito ng sabihin nito iyon.
“Umalis na lamang po kayo” mahinahon ko pa ring saad kahit na masakit ang bawat katagang binitawan nila laban sa pagkatao ko.
“Binabalaan kita babae layuan mo ang anak ko” ang matigas na pahayag ni Mrs. Alonzo bago tuluyang lumisan.
Nang makaalis sila ay saka ako umiyak.
Hindi, ipaglalaban ko ang pag-ibig ko kay Dexter, ngunit paano?
Ng gabing iyon ay muli kong ipinagkaloob ang buong puso’t kaluluwa ko kay Dexter. Bilang matamis na pabaon sa aking paglayo.
Paalam, Dexter…bulong ng puso ko bago ko tuluyang isara ang pinto.
Subalit hindi pa doon natapos Lahat ng sakit. Muli kaming nagtagpo upang lalo lamang akong saktan.
“Bakit Cindy…bakit? Bakit kailangan mong magpabayad sa kanila?” ang marahas na bintang nito sa akin.
“Wala akong alam sa sinasabi mo Dexter”
“Sinungaling! Aminin mo na ipinagpalit mo ako sa salaping ibinayad nila sa iyo. Isang milyon Cindy…yun lang ba ang halaga ko sayo?”
Hah! Ngayon alam ko na. Sa huling sandal kahit na ako na ang kusang lumayo ay siniraan pa rin nila ako sa mga mata ng anak nila.
“Oo tinanggap ko ang isang milyon at wala ka ng paki-alam doon.” Pag-amin ko sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
Hindi ko alam kung bakit inako ko ang bagay na yun. Ang tanging nararamdaman ko lang ng mga sandaling iyon ay galit at pagka-suklam sa mga Alonzo. At si Dexter? Ganoon ba kababa ang pagkakakilala niya sa akin?
“Sayang Cindy…sayang” Nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit. Katulad ng sakit na nararamdaman ko ng mga sandaling yaon.
Bakit? Mahal niya rin ba ako? Hindi! Imposible…kastigo ko sa sarili ko.
Kaya naman hinayaan ko lang siyang lumisan ng hindi itinatama ang pag-amin kong lalo lamang nagdagdag ng sakit sa puso ko.
Masakit…at Lahat ng sakit ay ibinuhos ko sa pag-susulat at sa wakas…hindi na ako isang trying hard. Kailangan ko lang palang masaktan. Ngunit sa bawat matagumpay na obra ay nakulong ang pagkatao ko na ngayong gabi ay palalayain ko na…
“DEXTER!”
“Cindy?”
Sinugod ko siya ng yakap at doon sa dibdib niya…pinalaya ko Lahat ng hinanakit at sama ng loob na dinala ko sa puso ko sa loob ng limang taon.
“Dexter, alam ng Diyos wala akong tinanggap na ano mang halaga sa mga magulang mo.” Lumuluha kong sabi sa kanya
“Shhh…alam ko”
“Alam mo?” natitigilang tanong ko sa kanya
“Oo inamin nila sa akin bago sila sabay na bawian ng buhay sa isang aksidente.”
“P-pero bakit hindi mo ako hinanap?” may hinanakit na tong ko sa kanya
“Akala ko kasi ay galit ka sa akin at natatakot akong ipagtabuyan mo”
“Oh Dexter! Kailan man ay hindi kita kinamuhian…as a matter of fact I love you”
“And I love you, too”
“H-ha?”
Matagal ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata. Nanaginip ba ako o ano?
Ngunit this time hindi lamang ito isang panaginip o ilusyon kung hindi katotohanan. Ah! Sa wakas napalaya ko rin sa aking dibdib ang lihim ko. Ang dating emptiness sa puso ko ay mapupunan na ng pagmamahal ng lalaking itinatangi ko.
Kung dati’y pangarap lang ang Lahat ngayon ay isa na itong katotohanan at hindi ko na hahayaang mawala pa siyang muli sa piling ko.
“Happy Mrs. Dexter Alonzo?”
Isang matamis na halik na puno ng pagmamahal ang tugon ko sa tanong niya.
Yes, I’m happy, very much…
--------------
Mariz
...Kung kayo talaga ang para sa isa't isa magkikita at magkikita kayong muli...
No comments:
Post a Comment