Dalawang taon pa lang ako ng maghiwalay ang mga magulang ko. Isang batang musmos na walang kaalam-alam sa mundo. hindi ko alam kung bakit sila nagdesisyong maghiwalay. Ni hindi ko na nga matandaan ang mukha ni ama. Lahat ng larawan na tanging magpapaalala sa akin kung sino siya sa buhay ko ay sinunog ni ina. Gusto kong magalit kay ina noon, masyado siyang makasarili ni hindi na niya inisip ang anak niya, ako.
Ano pang magagawa ko? Wala na. Noong nakaraang taon nakarating sa akin ang isang balitang hindi ko inaasahan. Isang taon na raw na patay si ama. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang humagulgol. Sa pagitan ng impit na iyak ay napansin ko si ina...naroon sa isang sulok at tumatangis. Paulit-ulit ang mga tanong na nanunulas sa kanyang mga labi.
"Bakit mo ako iniwan mahal ko?"
Mga katagang dumurog ng galit na tinanim ko sa puso ko. Mahal niya pa rin si ama...marahil nga ay masyado lamang siyang nasaktan noon.
Nilapitan ko siya at niyakap. Sa paghalik ko sa kanyang noo ay kasabay ang usal ng patawad...
No comments:
Post a Comment